Biyernes, Nobyembre 4, 2011

Sulyap

Sulyap
Ang kalipunang ito ng akdang pampanitikan ng mga mag-aaral sa BS Computer Engineering 2 sa
Akademikong Taong 2010 – 2011 ay
magsisilbing gunita sa pag-aaral
nila ng kursong Filipino 2.

Ito ay isang sulyap sa kamalayan ng bawat mag-aaral na nagnanais ipabatid ang kanilang damdamin at kaisipan sa pamamagitan ng mga salitang

magbibigay ng kalayaang magpahayag.





TULA




Sumisimoy ang bawat salita mula sa ugat ng damdaming umaawit na siyang bumubuo ng musikang patuloy na nagpapatibok sa puso ng bawat nagmamahal at nabibigo. Naroon ang kariktan ng kamalayang bumubuhay sa  dugo ng bawat malayang kaisipang handang ibahagi ang sariling kakayahang lumikha ng sining. 
Dr. Jake M. Laguador


Ikaw at ang Aking Kalungkutan

Ni: Lloyd Allaen Onda


Sa pagsilang ng bagong umaga
Larawan mo ang unang nakikita
Puno ng kasiyahan at ng kaligayahan
Tunay na nakapagaalis sa aking kalungkutan

Sa aking pagbangon
Lagi konh nalilingon
Ang mga punong magaganda
At nalalaglag na dahon

Biglang kong naalala
Ako ay iniwan mo na
Kahit pagmamakaawa
Ay aking ginawa

Mahirap mang tanggapin
Lagi kong iisipin
Kahit anung aking gawin
Masasaktan parin

Sana ay di mo malimutan
Ang ating sumpaan
Kahit na may kalungkutan
Ika`y aking dadamayan




Pag-asa ng Bayan
Ni: Lloyd Allaen Onda



Noong una pa man
Marami ng kabataan
Ang naging pag-asa
Dito sa aying bayan

Sila`y marunong magisip
Mahusay kumilos
Magaling mangarap
Lumalaban sa kahirapan

Ngunit bakit ganito?
Nakakalungkot isipin
Marami sa mga tao
Hindi alam ang gagawin

Mga kabataa`y
Nasa lansangan
Sa halip na mag-aral
Duon sa paaralan

Sana`y ating isipin
Ang ating tungkulin
Makabagong kabataan
Ating pag-aralin






-Maneka-
Ni: Michelle Velasquez

Mahal kong Nene,

Sa ating unang pagkikita,
Mababakas sa ‘yong maamong mukha ang ngiti,
Ang walang kapantay na ngiti mula sa ‘yong mga labi.
Hinawakan at niyakap ng ‘yong maliit at malambot na mga kamay.
            Hay, ang sarap sa pakiramdam…
            Binihisan mo ako ng makukulay na tela,
            Inayusan ang kulot at mahaba kong buhok,
            Binigyan ng kakat’wang pangalan,
            At ipinakilala sa lahat ng ‘yong makasalubong.

            Kakaiba ka talaga,
Pati ba naman sa pagtulog? Isasama mo pa ‘ko?
            Maipit man ako ng ‘yong malambot na braso,
            Ayos lang kasi ikaw naman ‘yan!
            Wala akong masabi sa ‘yong kabaitan,
            Ang makinig sa malamyos at matinis mong tinig,
            Ang iyong tanging hilibng sa akin
Kaya naman makapiling at mapanood ka ay aking kasiyahan.

Ngunit sa paglipas ng maraming taon n gating samahan,
Ang telang isinuot mo sa aki’y nangupas, nawalan ng tingkad.
            Ang buhok na dati’y nilalagyan ng kolorete,
            Ngayo’y tuluyang nalagas.
Samantalang hawak mo ang isang kakaibang bagay,
            Pinipindot ang bawat numero,
            Inaabangan ang bawat pagtunog nito,
            Tutut…’Yan nap ala ang uso ngayon.


            Iba ka ng talaga,
            Waring nakalimutan mo na ‘ko.
            Minsan pa nga sa ‘yong pag’uwi,
Ibinato mo ‘ko sa dingding ng ‘yong kwarto habang umiiyak.
Marahil inaway ka na naman ng batang lalaking kasama mo ng nakaraan.
            Siguro ipinagpalit  ka n’ya sa ibang kalaro.
            ‘Wag kang mag-alala,
            Nandito naman ako.

            Punit man ang telang suot ko,
            Panot man ang aking buhok,
            Eto pa rin ako,
            Ang ‘yong kaibigang may kakat’wang pangalan,

            Maneka.




Ikaw ang Aking Mamahalin
Ni: John Kenneth P. Aala

Pangako kong ito para lamang sayo
Na ikaw lamang ang aking mamahalin
Ang buhay ko sa’yo lamang iaalay
Yan ang pangako ng puso kong ito.

Pangalan mo’y nagmarka dito sa aking isipan
Nagbigay ng kulay at buhay sa natutulog kong pagsinta
Na hanggang sa ngayon ay aking pinakakaingatan
At  patuloy na mamahalin habang ako’y nabubuhay.

Isa kang insperasyon na tumutulong sa akin,
Upang mas maunawaan ang tunay na damdamin
Na mahalaga para sa akin
Dahil ang isang tulad mo ay kayamanan kong ituring.

Salamat sayo, Oh! Giliw ko
Para sa pagmamahal na inilaan  para sa akin
Simpleng Pangako ay pakatandaan lagi
Ikaw lamang ang aking mamahalin.

Pagmamahal na alay ko sayo at natatangi
Dahil para sa akin ikaw  ay katangi-tangi
Na mamahalin at paka iingatan
At hanggang sa huling hininga ay ikaw parin ang aking mamahalin.




Noypi Ako! Kabataang Totoo
Ni: John Kenneth P. Aala

Noypi ako! batang pinalaki ng ama’t ina ko
Ipinanganak sa Pinas at ditto namulat
Kakaibang pag-iisip na may halong kabayanihan
Na handing iligtas buong sangkatauhan.

Bata man ako, ay sadyang mulat na
Sa kung anu-anong bagay dito sa mundo
Droga, alak, yosi ay kinamulatan ko
Ngunit ni minsan ay hindi binalak na tikman ito.

Bata, bata Kabataang Noypi,
Tatak ng kabayanihan ay marka sa atin
Kaya dapat kumilos at magbigay pugay
Tularan natin kabayanihan ng tunay na noypi.

Tayong kabataan, ang pag-asa ng bayan
Galing kay Rizal na pambansang bayani
Naniniwala siya na tayo ang tulay
Upang bayan natin ay maging matiwasay.

Ako! isang kabataang Noypi
Dugo at pawis ay gagamitin
Upang patunayan ditto sa sangkatauhan
Na ang kabataan ay tunay na maaasahan.





Kabataan
Ni: Jerlyn Catubay

Kabataan, kabataan ako ay isang
Kabataan may pangarap sa buhay
At nais maging isang inhenyera,
Mag-ka-trabaho, yumaman;
makatutulong sa magulang.

Ngunit ang tambay na kabataan, ay
walang ginawa kundi mag-inom,
mag-yosi; ayaw mag trabaho ng
makatulong pa sa magulang.

At ang estudyanteng kabataan naman,
Ay walang ginawa kundi magbilyar,
Magkompyuter, tamad mag-aral at
Purwisyo naman sa magulang.

Kaya tama ba? Tama ba? Na ang
Kabataan ngayon ay pag-asa ng
Bayan? Paano na? paano na?
Itong ating bayan Kung ang
Kabataan ngayon ay ganito?

Kaya’t kabataan, sikaping mabuti,
Mag-aral ng mabuti, mangarap at
Mag tagumpay; n gang ating
Sariling bayan ay mabigyan ng
Danagl at papuri dahil sa
Kabataan itong ating bayan ay
Umunlad.


Minahal Kita
Ni: Jerlyn Catubay

Nang una kitang nakilala
Iba ang aking naramdaman
At sa tuwing ika’y nakikita
Kay saya ko na sa twina.

At hindi nagtagal, tayo ay naging mag-kaibigan
Pag-kakaibigan, na nauwi sa pag-iibigan
Akala ko pa naman noon, ay mahal mo din ako
Ngunit mali pala ako, dahil kaibigan lang turing mu sakin.

Laking gulat ko, ng ako ay may nalaman
Na ikaw pala, ay may ibang minamahal
Masakit man sakin, pero kailangang tanggapin
Dahil kung doon ka masaya, ay ayos lang sa akin.

Akala ko’y kaya kong tanggapin, na ayos lang sa akin
Pero sakit paring isipin, na may iba ka ng mahal
Ngunit wala naman akong, karapatan na magalit
Sapangkat ni minsan naman, ay di ka napasaakin.

Kay tagal kong hinintay, ang pagkakataong ito
Ako’y iyong minahal, ng di ko inaasahan
Kaya’t biglang kay ligaya, ng aking nadarama
Ngunit natatakot ako, na baka iyong saktan.








Pag-ibig Nasa’n ka?
Ni: Marian Nela H. Villanueva


Pag-ibig nasan ka?
Bakit di kita makita?
Kailangan muna bang ikay aking madama,
O, sa isip na lng tuwina

Tunay na pag-ibig
Kayhirap ngang lsapin
Tadhana ba ang dapat sisihin
O, tayong tao din?

Bawat isa’y nag aasam
Pag-ibig sana’y makamtan
Dulot nitong kaligayahan
Tagos hanggang kamatayan

Kung saan at kailan kita matatagpuan
Ang Diyos lamang ang may alam
Sandigan ng puso’t isipan
Sa kanya ko lang ipaalam.






Kabataan, Pag asa ng Bayan
Ni: Marian Nela H. Villanueva

Panahon ni Rizal, ng maging patnubay
Binitawang salita sa harap ng madla
Na ang mga kabataan ang syang pag asa ng bayan
Na magdadala sa katagumpayan at kaginhawahan

Kaming mga kabataan, ang sandigan ng lipunan
Hinaing at saloobin isa isang pakikinggan
Na ang mga karapatan ay ipaglalaban
Para sa tama at pantay na katarungan

Nguni’t ano itong sa kabataa’y nangyayari?
Kasabay ng modernisayon, kanilang pagsasarili
Maling landas tinatahak, dala ng maling kaparaanan
Iba’y din a makabalik upang pagsisihan

Sa bawat paglagok sa bote ng kalasingan
Dala’y paglipad ng isip sa kasamaan
At sa hithit ng droga’y din a mapigilan
Pinsala nito’y, yaong mga bagay na kamunduhan

Gayunpaman, ako’y naniniwala at naninindigan
Tayong mga kabataan ang pag asa ng bayan
Kailangan lang harapin mga bagay na kainaman
Para sa masaganang pagyabong ng bayan.








Ikaw Ang Aking Mahal Tunay na Mahal
Ni: Rhendel Carabio



Mahal kita o giliw ko ikaw ang aking kailangan
Tandaan kahit kelan di kita iiwan
Hindi ka pababayaan lagi kang babantayan
Hindi ka kalilimutan pangako lagging nasa isipan.

Hindi masasayang mga salitang binibitawan
pagkat  tangi kong hangad ay ang iyong
kaligayan kasiyahang walang humpay
at ang mundo mo ay gagawin kong makulay

hawakan mo ang aking kamay at sumama
sa paglipad alam mong mahal kita
saan man tayo mapadpad. Saking palad nakaguhit
sa puso ko naka ukit saking bibig ngalan m o ang lagging sambit
Top of Form
Bottom of Form
Top of Form
Bottom of Form
Bottom of Form





Patapon
Ni: Maylane Ramos

Ang kabataan, nawawala na sa kawalan,
Pilit na hinahanap kung saan ang hangganan,
May patutunguhan ba?
O habang buhay ng siya’y nangangapa?

Walang direksiyon, walang limitasyon,
Walang nagbabawal, walang nagbabantay,
Walang sumusuway, walang gumagabay,
Walang pangarap, walang alapaap,

Patuloy na pinipili ang buhay na patapon,
Sa piling ng droga at alak na tinuturing na kalipon,
Pilit na winawaksi ang kahapon,
At pait na bigay ng pagkakataon,

Paano na nga ba ang kabataan ngayon?
Walang direksiyon ang buhay at sa mali napabaon,
Siya na pag-asa ng bayan,
Ngayon ay siya na nga bang dahilan ng kahirapan?

Mga kabataang mag-isa sa mundong nilikha nila,
Sa mundong walang alam, manhid at mangmang,
Sa lugar na masaya, kahit na kakaiba
Sa mundong pinili nila kung saan may sarili silang drama.





“Minsan”
Ni: Maylane Ramos

Minsan kailangan palang pakawalan ang nararamdaman
Upang hindi matali sa pait ng nakaraan,
Minsan, kailangan palang tanggapin ang katotohanan
Upang hindi maipit sa sitwasyong kinalalagyan,

Minsan, mas mabuting hindi sabihin ang lahat ng katotohanan
Upang hindi makasakit ng nararamdaman,
Minsan, mas mabuti pang panatalihin ang katahimikan
Upang hindi makakita sa huli ng pagsisisihan,

Minsan, tama lang na sabihin ang kasinungalingan
Upang panatalihin ang maayos na samahan,
Minsan, tama lang na lumayo sa katotohanan
Upang panatilihin ang ilusyon sa dapat na kalagyan,

Minsan, mas karapat-dapat ang lumayo at lumisan
Para hindi na lamang manatili sa kinasasadlakang kasalanan,
Minsan, hindi pala sapat ang humingi ng kapatawaran,
‘Pagkat sa huli’y hindi pa rin magigising sa katotohanan,

Pero sa bandang huli ko napagtanto,
Na lahat ng lalaki ay pare-pareho
Na minsan, mas mabuti palang itago na lamang ang nararamdaman
Upang sa bandang huli ay hindi na masaktan…


Ikaw Na Nga Ba?
Ni: Wilson Binay

Sa tuwing makikita ka
Puso koy sumisigla
Tila ba isang makina
Na puno ng gasoline.

Kapag ikay kasama
Tila ba walang problema
Lahat nang pagod ay napapwi
Sa maganda mong ngiti.

Masasabi kong ikaw na
Wala nang iba pa
Kahit umulan man o bumagyo
Basta kasama ka, maligay na ako.

Kung ang ina ang nagsisilbing ilaw
At ang ama ang sibling haligi
Ikaw naman ang nag sisilbing enervon
Sapagkat ikaw ang nag sisilbing lakas ko,

Ikaw na nga ba o aking sinta
Wala na iba
Mula ngayon hanngang wakas
Pangako ko aking sinta.



Ako nga ba?
Ni: Michelle Velasquez

Sa bawat pagmulat ng mata sa umaga,
Sa bawat hininga ng aking buhay,
Ano nga ba ang akinh tunay na halaga?
Tanong na gumugulo sa aking isipan.

Ang bawat araw ay isang bagong simula,
Pag-asa ng bawat pintig ng aking puso
Subalit ano ang pakiramdam na ito,
Na ang bawat araw ay isang parusa?

Ngunit naligaw sa madilim na landas,
Nagulumihanan sa dal’wang magkaibang daan,
Ika’y pinagwalang bahala ng ako’y ‘yong matagpuan;
Tinawag mo ko ngunit lumingon ay ‘di man lang nagawa.

Minahal mo ‘ko, kabiguan ang nagging kapalit;
Pinakain mo ‘ko, ako’y nagging gahaman’
Minahal mo ‘ko kung sino ako at kung ano pa man;
Gaano ka man kataas, ako’y inabot mong pilit.

Sino ba ‘ko sa iyong paningin?
Pa’no ba ‘ko tingnan ng ‘yong maawaing mata?
Iniisip mo bang ako”
Nararapat sa ‘yong walang hanggang pagmamahal.







Kabataan, Panahon Na!
Ni: Wilson Binay

Kabataan ang pag-asa ng bayan
Ang iniwang kataga ni Dr. Jose Rizal
Na labis ng tumatak
Sa isip ng bawat isa.

Siguro nga panahon na
Na tayoy gumising na
Sa mahigpit nating pagpikit
Sa ating mga nakikita.

Panahon na! Panahon na!
Oh kapwa ko mga kabataan
Itayo natin ang ating bayan
Sa labis nang kahirapan.

Kaya natin ang lahat
Kunga tayo’y magkakaisa
Pagkat tayo ang pag-asa
Nang ating mahal na bayan.

Tayo ang simula
Ikaw ako tayong lahat
Kaya natin to
Umulan man o bumagyo.

Kabataan panahon na
Panahon na! Panahon na!
Sa wika ng ating
Dakilang Iang Bayan.



Natatanging Kabataan
Ni: Christian Cuevas

Paglilibang at pagpapakasaya sa buhay,
‘Yan ang nais ng maraming kabataan
Ngunit sa ilang may responsibilidad na nakakabit
Ito ‘y isang pangarap lamang na maituturing

Nag-aaral sa umaga, kumakayod sa gabi,
Mga araw nila’y, puno ng pagod at pagtitiis.
Magulong isipan at bugbog na mga katawan
Ang paglilibang at pagsasaya, ay wala ng mapaglagyan

Kabataang may mga pangarap
Kabataang kayang tiisin ang mga pag-hihirap
Pag-angat sa buhay ang nais nilang makamit
Kaya’t ang mga kaligayahan, ay kanilang isinasantabi

Bawat oras ay pinapahalagahan
Mga araw ay kanilang binibilang
Alam nilang darating ang mga sandal,
Paghihirap at pagtitiis ay mapapawi

Marami sa kanila ‘y nakukuha pa ring ngumiti
Tunay at tapat na mga kaibigan ang kanilang nabatid
Masasayang kwentuhan mula sa isang magandang samahan
Sarili nilay nalilibang ng hindi nila namamalayan



Isang Tadhana
Ni: Christian Cuevas

Dalawang magkaibang tao
Mula sa dalawang magkaibang mundo
Pagkikita ay hindi inaasahan
Pagtatagpong nakatadhana na

Noong una’y isang hamak na estranghero
Ang pagtingin niya sa isang tulad ko
Ang aking pagtingin ay hindi batid,
Pagkakaibigan na lang ang tanging hiling

Lakas ng loob ay aking pinairal
Upang siya ay lubos na makilanlan
Pakikipagkaibigan ay pinagbigyan
Hatid nito ‘y umaapaw na kasiyahan.

Tagla y niya ang kakaibang kagandahan
Kabutihan niya’y talagang nakakamangha
Mga katangiang taglay ay lubos na nakakabighani
Magagandang ngiti na hindi mapapawi

Panahon ng pagtatapat ay hindi naiwasan
Na nagbunga sa mahabang katahimikan
Ang tamang panahon ay darating
Ang kanyang nasambit na may  ngiti sa  mga labi.

Kabataan:’Asan ka na?
Ni: Kristine Joy Perez

Kabataanpag-asangbayan
Silaangsusisakaunlaran
Huwarangmasasabisapanonginnglahat
Silaanghaharapsakinabukasan

Ako’yisasakanila, isangkabataan
Nagtatanong, nag-iisip at nagigilihan
Tama baangsinasabingkaramihan
Ako,sila, kabataanpag-asangbayan

Angkabataansaakingpanahon
Hindi komasasabingpag-asanamaituturing
Ako’yisarinsakanila,ngunithindinaniniwala
Angkabataanngayon ay pag-asangbayan

Kabataan ay may mapupusoknakaugalian
Maagang nag-aasawa at nagkakaroonngpamilya
Nalululongsamasasamangbisyo, alak at sigarilyo
Anongkinabukasanangmayroonsila

Ito angnakikitangakingmgamata
Kabataan ay hindipag-asangbayan
Kaya saakingisipan ay lagging nagtatanong
Kabataan: asankana?





Bakit
Ni: Kristine Joy Perez


May mgataongsadyangpinagpala
Sabawatpag-ibignanatatamasa
Masaya,maligayakanilangnadarama
Sapagmamahalnabinibigaysakanila

Sabawatpintigng mag puso
Animo’yisangsayawangtugtog ay uso
Sabawatpag-indakika’ynatututo
At sapagmamahalika’ysumasaya

Ngunitbakit may ilanghindipinagbigyan
Sapagmamahal ay pinadamutan
Ito ba ay sisadya o nagkataonlamang
Pag-ibig ay sadyangnapaka-ilap

Pagmamahalba ay may pinapaburan
O pinipiliangdapatpagbigyan
At iniiwanangdapatmasaktan
Hindi badapatlahat ay pantay-pantay




“Ang Iyong Pagdating”
ni Edgar M. Bello Jr.


Isang bahagharing makulay ang aking napupuna
Sa tuwing nakikita ka o aking twina
Aking pakiramdam di mawari at tila nahuhulog na
Bakit pag-ibig, aking bang kapalaray ito na?

Mayroong sandail na gusto kang makasama
Pero bakit ganito ang aking nadarama
Sa tuwing lalapit ka puso ko’y labis-labis ang kaba
Nilalaman ba nitoy ikaw na nga ba?

Dumating ang araw na nawala ka sa aking paningin
Biglang sa sarili tinanong, nasan na aking nililingin
Naramdamay sakit kaya’t ako’y nanalaangin
Panginoon aking dasal, sana ay dinggin.

Nais kong ibalik ang masaya kong araw, twina.
Ngunit tila ikaw ay naglaho na
Hanggang isang araw ay dumating ka
Subalit doon ko nalaman na may minamahal ka

Ito nga pala ang pag-ibig masayang maramdaman
Pero ang mahirap harapin ang kalungkutan
Isang pangyayari na sa buhay ko’y di malilimutan
Pag-ibig salamat, pagmamahal ay naranasan.



“Kabataan, Ipaglaban”
Ni Edgar M. Bello Jr.

Nasan na ang magandang buhay
na nais kung makamtan
Kung maling pamamalakad
ang pinatutupad sating lipunan
Kabataan panahon na siguro
upang ating ipaglaban
Karapatan, bilang isang mamamayan.

Hindi ba kayo nagugulat,
tanging mayayaman lang ang umaangat.
At tanging mahihirap lang
ang nagpapaitim ng balat?
Hindi ba kayo naaawa sating kalagayan
Dapat pa bang ipamukha
na kailangan na nating lumaban.

Gamitin ang kaalaman na ating natutunan
Sapagkat tayo’y nabubuhay sa mundo ng kaguluhan
Kabataan tayo ang pag-asa ng  ating lipunan
Isipin at mahalin, Layuning makabayan.

Paraang mahirap isipin, pero kaya nating gawin
Magsamasama tayo sa iisang mithiin
Ang bumuo ng lipunang walang kaguluhan
Isang lipunan na puno ng kasiyahan.

Ito ang mundo natin
Alagaan at mahalin
Bayang lugmok sa kahirapan,
kaya nating pagyamanin
Sapagka’t NOYPI ang tatak natin.

aaaa

Makabagong Kabataan
Ni: Jayson Manalo

Kabataan
Pag-asa nga ba ng bayan?
O sakit sa ulo
Ng lipunan

Noong nakaraan
Ang kabataan ay magagalang
Mababait at masunurin sa magulang
Kumbaga ay di makabasag pinggan

Ngunit habang panahon ay lumilipas
Tayo’y pilit nagpupumiglas
Parang bilanggong tumatakas
Sa pangaral ng ng magulang ay umaalpas

Dala ng makabagong panahon
Kabataay mas agresibo ngayon
Di nag iisip ng totoo
Ang gusto lang ay makiuso

Kabataan pilitin mo
Ayusin ang buhay at magbago
Di lang puro porma pare ko!
Dapat may wastong pagkatao

Karibal
Ni: Jayson Manalo

Noong tinanggap
Hindi makukuha
Itong aking pag-
 Sa pag inom ng ginebra
Halos akin
Lalong lalo na sa damo
Itong buong daigdig

Ibinalita
Damo, damo
Sa aking mga
Pangkabayo lang yan
Ngunit nagalit
Pare ko…
Nang iyong malaman

At hindi rin nagtagal
Akin ding nalaman
Ikaw palay
May ibang minamahal

Aking nabalitaan
Anak siya ng mayaman
At malapit na kayong
Ikasal…

Ganyan talaga
Ang buhay pare ko
Huwag mong dibdibin
Ang pagbasted sa'yo.


SALAMAT SA’YO
Ni: Meljurie Marasigan

O pag-ibig! Napakamakapangyarihan.
Damdamin ko’y iyong pinagagaan,
Sa tuwing nakikita siya’y naguguluhan,
Ano ba talaga dapat ang maramdaman?

Araw-araw ika’y naiisip,
Sa puso ko’y hindi ka mawaglit,
Buhay ko’y nagiging makulay,
Lahat ng bagay saki’y iniaalay.

Buhay ko’y malaki ang pinag-iba
Simula nang makilala ka,
Sa elementarya nagsimula.
Puso ko’y umibig na.

Tumatagal ang panahon,
Marami nang pinagsamahan.
Dumarating ang hiwalayan,
Ngunit mga puso’y muling nagbabalikan.

Mga problemang pinagdadaanan
Hindi lang basta nilalampasan.
Maraming bagay ang natututunan,
Nagpapatibay sa ‘ming samahan.



SULONG KABATAAN
Ni: Meljurie Marasigan

Kasipagan ng mga kabataan,
Susi sa kaunlaran ng bayan,
Maraming kaalaman ang matutuklasan,
Kung pag-aaral ay pagbubutihan.

Kabataa’y maraming pinapangarap,
Kaginhawaa’y gustong malasap,
Pamilya’y iaahon sa hirap,
Upang pamumuhay ay maging masarap.

Populasyon ng mga mamamayan,
Patuloy pa ring nadaragdagan,
Ngunit bilang ng nakakapag-aral na kabataan,
Unti-unting nababawasan.

Ano nga bang dahilan?
Ito ba’y gawa lang ng kahirapan?
O baka naman katamaran,
Estudyante’y laging nasa tambayan.

Ngunit hindi pa huli ang lahat,
Kabataan, mga mata’y imulat,
Nagkukulang lang sa motibasyon,
At determinasyon sa mabuting edukasyon.


Ako Pa Rin Ba o Sya Na Talaga?

Ni: Ma. Cecilia Atajar

Tagal kong naghintay,
tagal kong umasa
Sa pag- aakalang ako pa rin
ang babalikan mo, mahal.

Biglang naglaho ang pag- asa ko
na ikaw at ako pa rin talaga
Sa pagdating nya, ay nagbago ka
nawala ang sigla

Na dati’y para sa akin lang
mga ngiti at saya mo
Na ako ang laging dahilan
ito na ba talaga ang wakas nating dalawa?

Paano ko ba maibabalik?
pagmamahal na para sa akin lang
Pagmamahal na walang kahati
upang di na masaktang muli.

Pusong unti- unting nadudurog
sa tuwing nakikita kayong magkasama
Hanggang kaylan ba kayang tiisin?
Pagdurusa kong nararanasan?




Kabataan: Para Nga Ba Sa Bayan?
Ni: Ma. Cecilia Atajar

Kabataan, Kabataan para nga ba sa bayan?
‘Yan ang laging sinasabi natin,
Ngunit totoo nga ba ito?
Nasaan ang kabataang sinasabi natin?

Nasa kalye, nasa mga tambayan
Mga bisyong mas lalong lumalala
Mga gawaing hindi kayang pigilan
Na kayang sumira ng kinabukasan

Pagpasok sa paaralan, kailangan pa bang pilitin?
Hindi ba nila alam na para sa kanila ito
Sa’n sila dadalhin ng mga gawaing masasama?
Na alam nating hindi dapat gawin

Mga bisyong kabi- kabila lang
Hindi naman kailangan para umasenso
Paano tutulong sa bayan kung ganyan tayo?

Ating bayan tuluyan na bang pababayaan,
Ano pa ang daratnan ng susunod na henerasyon
Magiging maganda pa ba ang kinabukasan
Kung mismo ang sumisira nito’y kabataan?


SINTA
Ni: Ronald S. Comilang

binibini oh aking sinta
ganda mo ay nagniningning
at ang kalooban mo ay napakabuti
kaya pag-ibig ko sa ‘yo ay napakatindi

nang ika’y aking makita
puso ko ay tumitibok at kumakanta
oh binibining napakaganda
ikaw ay anghel sa aking mga mata

nasa isip ko ay ikaw oh aking sinta
iniiisip na sana ikaw ay laging makita
at kahit sa panaginip
mukha mo ang aking nakikita

pag ibig ko sa iyo ay di magbabago
puso ko ay para sa iyo, sinta ko
dahil pangalan mo ang isinigaw ng puso ko
at sana iyong dingin ang sigaw nitong damdamin

                                              


                            
KABATAAN
(IKAW PA RIN KAYA ANG PAG ASA)
Ni: Ronald S. Comilang

kabatan noon ay simple lamang
mabait, masunurin  at magalang
sinusunod ang mga magulang
pag-aaral ay di pinababayaan

kabatan ang pag asa ng bayan
ito ang madalas sabihin ng karamihan
ngunit sa paglipas ng panahon
nasan na itong kabataan?

kabatan na ngayon ay lulong na sa bisyo
at madalas ng sakit ng ulo
sa magulang na laging problema ang dala nito
at kailangan masunod ang kanilang mga gusto

ngayon ang karamihan sa mga kabataan
nawawala na ang pagalang
laging sangkot sa mga kaguluhan
ngayon sa krimen kabatan ang laging kabilang

kabataan pa kaya ang pag-asa ng bayan
 upang umunlad ang kinabukasan
at upang matapos na ang kahirapan
ikaw pa nga kaya, kabataan?